Higit 2M single shot vaccines ng Johnson & Johnson, parating na sa bansa

Inaasahan ang pagdating sa bansa ng 3.2 milyong doses single shot ng Johnson & Johnson vaccines sa July 19.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center Chairperson Health Usec. Myrna Cabotaje na donasyon ito ng gobyerno ng Amerika na idadaan sa COVAX Facility.

Ayon kay Cabotaje, prayoridad na maibigay ito sa mga nasa A2 at A3 category o senior citizens at may mga comorbidities.


Sa ngayon kasi ay nasa 30% pa lamang ng senior citizens ang nababakunahan mula sa target na 96% na kabuuang populasyon ng mga ito.

Kasunod nito, tiniyak ni Cabotaje na mabibigyan na rin ng J&J vaccines ang iba pang rehiyon sa bansa alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipamahagi ng pantay-pantay ang mga bakuna sa buong bansa.

Facebook Comments