Higit 3.5 million Filipinos, naisalang na sa COVID-19 test 

Nakapagsagawa na ang pamahalaan ng COVID-19 test sa higit 3.5 million na Pilipino. 

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer, Testing Czar Vince Dizon na karamihan sa mga test ay isinagawa sa mga lugar na mataas ang tiyansang magkaroon ng outbreak ng COVID-19. 

Ang test mark aniya ay malapit nang umabot sa 3.6 million. 


Target ng pamahalaan na maabot ang 10 million sa susunod na taon na tinatayang 10% ng populasyon. 

Iginiit ni Dizon na marami pa ang kailangang gawin at kabilang na rito ang pagsasagawa ng maraming test. 

Aniya, mayroon ng teknolohiya na ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng mundo para mapabilis ang pagsasagawa ng testing kabilang na rito ang antigen test. 

Sa ngayon, hinihintay nila ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at regulators sa pagbuo ng guidelines para rito. 

Facebook Comments