HIGIT 3-K INDIBIDWAL SA CAUAYAN CITY, NAKATANGGAP NA NG NATIONAL ID

Tinatayang nasa 30,175 na indibidwal na mula sa lungsod ng Cauayan ang matagumpay ng nakatanggap ng kanilang physical ID o National ID, as of September 30, 2022.

Sa ating panayam kay Abegail Columbano, Registration Supervisor ng Step 2, mayroon pang 25, 671 na katao ang hindi pa nagpaparehistro mula sa nasabing syudad.

Ipinagbibigay alam rin ni Ms Columbano sa publiko na kung sakaling mawala ang inisyung transaction ID number ng may-ari ng nasabing ID ay maihahatid parin naman ang kanilang ID basta magpresinta lamang ng isang valid na pagkakakilanlan.

Kapag natanggap na ang nasabing ID ay maaari na itong magamit sa kahit na anong uri ng transaksyon dahil itinuturing na rin ito bilang Primary ID.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Miss Columbano sa lahat ng mga nag parehistro sa kanilang opisina, na kapag natapos na ang printing ng lahat ng nasabing National ID, ay agad na nila itong ipapadala upang magamit na ng mga rehistrado.

Facebook Comments