Higit 3 milyong foreign tourist, bumisita sa bansa

Photo Courtesy: Department of Tourism

Aabot sa 3.4 milyong turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang bumisita sa Pilipinas sa unang limang buwan ng 2019.

Ibig sabihin, tumaas ng 9.76 percent ang bilang ng mga turistang dumating sa bansa kumpara sa 3,178,984 na naitala mula Enero hanggang Mayo noong 2018.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat – pinakamaraming bumisita sa bansa ay mga Koreano na aabot sa 788,530.


Pangalawa ang Chinese na sinundan ng mga turista mula US at Japan.

Pasok din sa top 10 international visitors sa bansa ang mga dayuhan galing sa Taiwan, Australia, Canada, UK, Singapore at Malaysia.

Noong nakaraang taon nang maitala ang pinakamataas na tourist arrival sa Pilipinas na aabot sa 7.1 million.

Facebook Comments