Higit 3 milyong manggagawa, apektado ng COVID-19 pandemic, ayon sa DOLE

Lumagpas na sa tatlong milyong manggagawa ang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Batay sa Job Displacement Monitoring Report ng Department of Labor and Employment (DOLE), 3,115,160 workers ang apektado ng pandemya matapos magpatupad ng flexible work arrangements at temporary closure ang nasa 110,639 establishments mula Marso hanggang Agosto.

Nasa 180,207 workers ang na-displace o na-retrench mula sa 9,548 establishments nitong Enero hanggang sa kasalukuyan.


Karamihan sa mga displaced workers ay mula sa National Capital Region (89,531), kasunod nito ang CALABARZON (34,694), Central Luzon (19,398), Central Visayas (11,099), Cordillera Administrative Region (5,497), Davao Region (3,943), Western Visayas (3,226), Northern Mindanao (3,226), Ilocos Region (2,680), SOCCSKSARGEN (1,526), Cagayan Valley (1,298), Bicol Region (1,198), Eastern Visayas (1,185), Caraga (850), MIMAROPA (715), at Zamboanga Peninsula (141).

Nasa 9,000 establishments ang nagbawas ng workforce at nasa 993 ang permanenteng nagsara.

Ang mga industriyang matinding tinamaan ay sa administrative at support service na mayroong 40,937 displaced workers.

Facebook Comments