Mahigit tatlong milyong manggagawa na ang naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic matapos ang pansamantalang pagsasara ng maraming kompanya sa bansa.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, nasa 1.9 milyon dsito ang naapektuhan ng flexible working arrangement habang 1.2 milyon naman ang pansamantalang natigil sa trabaho.
Nasa 1.2 milyon namang mangagagawa ang inaasahang magbabalik trabaho sa sandaling magbukas muli ang mga negosyo.
Giit ng kalihim, dapat hindi maapektuhan ang mga employment status ng mga mangagagawa na pansamantalang natigil ang trabaho.
Facebook Comments