Higit 3 milyong middle income workers, bibigyan din ng financial assistance ng pamahalaan

Makakatikim na rin ng tulong pinansyal ang mga middle income workers.

Sa virtual presscon ni Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, sinabi nitong inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang small business wage subsidy program.

Pasok sa mga mabibigyang ayuda ang mga empleyado ng maliliit na negosyo na rehistrado sa Social Security System (SSS) at Bureau of Internal Revenue (BIR).


Tinatayang nasa 1.6M na mga small business ang mabebenepisyuhan o katumbas ng 3.4M middle income workers.

Lima hanggang walong libong pisong financial assistance rin ang matatanggap ng mga manggagawa at ito ay matatanggap nila sa darating na May 1-15 at ang second tranche ay sa May 16-30.

Maaari itong makuha sa pamamagitan ng kanilang SSS-UMID card, bank accounts, Pay Maya o Ewallet o alinmang money transfer.

Facebook Comments