Nasa 3.3 milyong piso ang halaga ng mga naipamahaging food packs sa mga day care learners sa Mangaldan.
Para ito sa 120-day Supplemental Feeding Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 na inilalaan sa mga day care learners.
Nasa 33 ang bilang naman ng mga Child Development Workers na nagmula sa iba’t-ibang barangay.
Ayon sa DSWD R1-Special Program Division, ang feeding programs na ito ay bilang pagtiyak na nabibigyan ng tama at nararapat na sustansya sa katawan ang mga batang mag-aaral.
Makatutulong umano ang malusog na pangangatawan sa paglinang at pagkatuto ng mga bata.
Samantala, sa buwan ng Setyembre nakatakdang ipamahagi ang iba pang batch ng nasabing food packs. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









