Higit 30 distressed OFWs galing Middle East, dadating sa bansa ngayong araw

Nasa 33 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dadating sa bansa ngayong araw.

Ayon sa MIAA Media Affairs Division, ang 33 distressed OFWs ay magmumula sa Jordan.

Ang mga ito ay dadating sa bansa ngayong alas dos ng hapon lulan ng Saudia Airlines flight SV 862 – Terminal 1.


Sasalubungin ang mga OFW ng OWWA repatriation team paglapag sa paliparan para alalayan sa customs at immigration documentation formalities.

Pansamantalang tutuloy sa OWWA halfway home ang mga OFWs na walang sundo at naninirahan sa malalayong lugar.

Habang inako naman ng OWWA ang lahat ng gastusin sa pasahe sa pag-uwi ng mga OFWs sa kanilang mga tahanan o lalawigan.

Facebook Comments