Higit 30 job seeker, hired on the spot sa isinagawang Mega Job Fair ng PESO San Jose del Monte Bulacan

Umaabot sa mahigit 30 ang hired on the spot sa isinagawang Mega Job Fair ng PESO San Jose del Monte Bulacan noong Sabado.

Ito’y bilang pasasalamat ni Mayor Arthur Robes sa kanyang kaarawan kahapon na mabigyan ng trabaho ang kanyang mga nasasakupan kung saan 33 na lokal, pitong national agencies at anim na overseas employers ang lumahok o nakiisa sa naturang Mega Job Fair at aabot naman sa mahigit 3,000 job vacancies ang naghihintay sa mga walang trabaho.

Ayon kay PESO Manager Perfecto Tagalog bilang handog sa kaarawan ni Mayor Robes kahapon ay isinagawa ang Mega Job Fair sa mga lahat ng mga naghahanap ng trabaho lalung lalo na sa mga gustong papalitan ang kanilang karera na tatahaking landas.


Paliwanag pa ni Tagalog na kabilang sa mga kompanya na pwedeng pasahan ng kanilang resume ay ang SM Supermarket, Ace Hardware, Megawide, Human Link at marami pang iba habang ang overseas naman ay ang Crossworld, Hard Earned Opportunities Inc., Abundant Life International Manpower at marami pang iba.

Facebook Comments