Nasa mahigit tatlumpung motorsiklo ang nasabat ng Asingan PNP sa isinagawang operasyon laban sa paggamit ng modified o altered muffler.
Kinumpiska ang mga tambutso na nagdudulot ng labis at nakagagambalang ingay sa mga residente.
Ayon sa PNP, ang modified muffler ay tumutukoy sa anumang pagbabago, pag-aalis, o pagpapalit ng orihinal na tambutso ng sasakyan na nagreresulta sa labis na ingay.
Layunin ng operasyon na mapanatili ang katahimikan sa bayan at ipaalala sa mga motorista ang pagsunod sa batas ukol sa pampublikong ingay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










