HIGIT 30-PAMIILYA 4PS BENEFICIARIES SA BAYAN NG SUAL, NAGTAPOS NA SA PROGRAMANG 4PS

SUAL, PANGASINAN – Nagtapos na ang higit tatlumpong pamilyang miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa bayan ng Sual.

Matatandaang ang 4Ps ay isang programa ng gobyerno upang makatulong sa mga pilipinong kapos sa buhay at para matustusan ang edukasyon at kalusugan ng mga batang labis na nangangailangan.

Sa naging pagtatapos ng mga ito ay isa lamang patunay na may nabago sa kanilang buhay at makikita din dito na maayos ang naging paghawak nila sa mga natanggap na tulong pinansyal at kaya naman kaya na nilang ipagpatuloy ang kanilang pamumuhay kahit na wala ng matatangap na cash grants.


Ayon kay Gng. Ma. Lourdes Sabido, head ng Municipal Social Welfare Office ng bayan ay kanyang pinuri ang mga nagsipagtapos dahil sila umano ang magandang ehemplo ng 4PS.

Hiniling naman sa mga benepisyaryong nagsipagtapos na ipagpatuloy lamang ang pagpapaunlad sa kanilang pamumuhay at huwag manghinayang dahil na hindi na muling tatanggap ng cash grants.

Facebook Comments