Higit 30 pasahero, sugatan nang mahulog ang isang bus sa Alabang skyway exit

Manila, Philippines – Sugatan ang 31 pasahero matapos mahulog mula sa naka-angat na bahagi ng Alabang skyway exit ang sinasakyan nilang bus, alas-6:30 linggo ng gabi.

Ayon sa Manila Toll Expressway Systems Incorporated (MATES), paakyat sa northbound lane ng Alabang exit ang Cher Transport Bus na may plakang TYX-504 nang mawalan ng control at bumagsak sa service road.

Batay sa mga rumespondeng awtoridad, aabot ng 6 hanggang 7 talampakan ang taas ng kalsada na binabaybay ng bus nang ito’y mahulog.


Pasado alas 8:00 ng gabi nang tuluyang maalis ang naaksidenteng bus sa naturang lugar.

Facebook Comments