Nasa 32 mula sa kabuuang 59 na mga Filipino na nag-positibo sa Coronavirus disease ang nananatili sa ibat ibang ospital sa Singapore.
Sa Laging handa public press briefing sinabi ni Philippine Ambassador Joseph Del Mar Yap na naaalagaan naman ng maayos ang ating mga kababayan sa mga ospital.
Sa nasabi ding bilang 27 na ang nakarekober o gumaling mula sa covid 19
Iniulat din ni Ambassador Yap na nasa halos 300 displaced Filipino workers sa Singapore ang napagkalooban na ng one-time P5,000 cash aid mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Nabatid na umaabot sa 200,000 ang bilang ng mga Pinoy sa Singapore at kalahati dito ang nagtratrabaho bilang mga domestic workers.
Una nang inanunsyo ni Prime Minister Lee Hsien Loong na palalawigin pa ang lockdown sa Singapore hanggang June 1 upang ma-contain ang pagkalat ng virus.