Higit 30 processed pork products na nagpositibo sa ASF, ikinabahala

Ikinabahala ng Department of Agriculture (DA) matapos magpositibo sa African swine fever (ASF) virus ang 34 mula sa higit 300 batch ng samples ng mga de lata at frozen at processed pork products na nakapasok sa Pilipinas.

Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) Focal Person for Communications, Dr. Joy Lagayan – mapanganib ang mga processed foods lalo na kung ang ginamit na karne ay kontaminado ng ASF.

Sabi naman ni Food and Drug Administration (FDA) OIC Eric Domingo – nasa pitong milyong piso na ng mga de lata ang nakumpiska nila mula sa mga malalaking supermarket.


Pero aminado si Domingo na kulang sila ng mga tauhan kaya kailangan ng tulong mula sa ibang ahensya.

Nilinaw naman ng DA na hindi ito nakakahawa sa tao pero pwedeng ikahawa at ikamatay ng mga baboy sa bansa kapag nalapitan ng taong kumain o humawak ng mga produktong positibo sa ASF virus.

Facebook Comments