Manila, Philippines -Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mas paiigtingin pa ang seguridad sa buong Metro Manila matapos ang pag-atake sa Resorts World Manila (RW).
Ayon kay NCRPO Director, Chief Supt. Oscar Albayalde – hindi bababa sa 30 ang nasugatan sa insidente at patuloy ding kinukumpirma kung may nasawi din sa loob.
11 rito ay dinala sa ospital dahil sa suffocation.
Ito’y matapos sunugin ng dayuhang suspek ang isang bahagi ng casino.
Naniniwala si Albayalde na posibleng may kinalaman sa sugal ang motibo ng suspek sa pamamaril at panununog ng gusali.
Iginiit din ng NCRPO na hindi ‘act of terrorism’ ang nangyari.
Sa ngayon, patuloy ang clearing operations sa loob ng hotel-casino.
DZXL558
Facebook Comments