Higit 300, 000 OFWs, apektado ng COVID-19 pandemic

Umaabot na sa 343,551 ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, sa nasabing bilang 341,161 ang displaced o mga nawalan ng trabaho at mga ‘no work no pay’.

Nasa 2,390 naman ang tinamaan ng COVID-19 kung saan 7,200 na ang naitalang nasawi, 678 ang mga nakarekober at 1,640 ang mga active case.


Samantala, siniguro ni Bello na may trabahong naghihintay sa mga returning OFWs lalo na sa flagship project ng pamahalaan sa ilalim ng Build, Build, Build Program.

Maliban sa pautang mula sa DOLE, mayroon din aniyang pautang ang Department of Trade and Industry (DTI) na hanggang P100,000 na mayroong maliit na interest rate.

Nag-aalok naman ng livelihood assistance ang Department of Agriculture (DA).

Facebook Comments