Karagdagang higit tatlong daang alagang hayop ang bakunado ng anti rabies vaccine sa bayan ng Mangaldan.
Ito’y resulta ng pagsasagawa ng anti rabies vaccination program na pinangangasiwaan ng Municipal Agriculture Office sa mga barangay.
Nasa 135 pet owners naman ang nakilahok at nagdala ng kanilang mga alagang hayop.
Pagpapakita rin ito ng kanilang responsableng pangangalaga sa mga aso at pusa.
Ang pagpapabakuna ng mga alagang hayop ay malaking hakbang upang maiwasan na mabiktima ng rabies at matiyak ang kaligtasan ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







