Umaabot sa higit 300 ang dinampot ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa hindi walang suot at hindi tama ang pagsusuot ng face mask.
Sa datos ng MPD, nasa 358 ang kanilang nasita sa iba’t ibang bahagi ng lungsod kung saan ang ilan sa kanila ay inaalam na kung nakakailan beses na ng paglabag.
Nabatid na mahigpit pa rin ipinapatupad sa buong lungsod ng Maynila ang Ordinance No. 8627 na nag-aatas ng pagsusuot ng face mask sa lahat ng pampublikong lugar.
Ito’y bilang parte ng ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan upang mapigilan ang paglaganap ng sakit.
Sa ilalim ng Ordinance No. 8627, lahat ng indibidwal na nasa Maynila ay kinakailangan nakasuot ng face mask anumang oras.
Ang sinumang residente na lalabag ay pagmumultahin ng ₱1,000 sa first offense, ₱2,000 para sa second offense at ₱5,000 o pagkakakulong ng hanggang isang buwan o kaya ay parehong parusa sa third offense.