Naaresto ng mga opisyal mula sa US, Britain at South Korea ang 338 indibidwal na sangkot sa dark web child pornography site na naka base sa South Korea.
Ito na ang itinuturing na pinakamalaking operasyon ng child pornography sa buong mundo kung saan ginagamit umano ng mga kriminal ang mga bata sa mahahalay na bagay kapalit ng pera.
Ayon sa US Justice Department, gumagamit ang mga kriminal ng bitcoin cryptocurrency sa kanilang pagbebenta ng mga videos ng child pornography upang hindi sila madaling mahanap ng mga otoridad.
Nailigtas naman ang 23 menor de edad na mula sa USA, Britain at Spain.
Samantala, sinampahan na ng mga kaukulang kaso ang mga naaresto at nakakulong na.
Facebook Comments