Higit 300 katao, inilikas sa Aurora Province dahil sa Bagyong Pepito; Magat Dam sa Isabela, magpapakawala ng tubig

Nasa 335 indibidwal ang inilikas sa Aurora Province dahil sa pananalasa ng Bagyong Pepito.

Sa nasabing bilang, 253 ang nananatili sa 13 evacuation sites sa probinsya.

Ang mga evacuees ay mula sa mga bayan ng Baler, Casiguran, Dilasag at San Luis.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na ulat ng casualty at major untoward incident dahil sa bagyo maliban sa mga pagbaha.

Wala rin silang naitatalang major infrastructural damage sa mga tulay at kalsada.

Samantala, dahil sa ilang araw na pag-ulan, nadagdagan din ang water level sa ilang dam sa Luzon.

Dahil dito, kinailangan pang magbawas ng tubig kaninang umaga ng Ipo, Ambuklao at Binga Dam.

Tiniyak naman ng NDRRMC na naabisuhan ang mga lokal na pamahalaan bago isinagawa ang pagpapakawala ng tubig.

Mamayang ala-1:00 ng hapon, muling magpapakawala ng tubig ang Magat Dam dahil sa patuloy na epekto ng bagyo.

Facebook Comments