Higit 300 manggagawa, apektado ng lay-off sa Grab

Inanunsyo ng ride-hailing at payments firm na Grab na magtatanggal ito ng 360 empleyado o katumbas na 5% ng kanilang workforces dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Grab co-founder and CEO Anthony Tan, magreresulta ng mahabang recession ang pandemya kaya pinaghahandaan nila ang mahabang recovery period.

Sinabi rin ni Tan na tinapyasan na nila ang ilan sa kanilang gastos, at nagpatupad na rin ng bawas sahod sa kanilang senior management.


Ipagpapaliban din ang ilang non-core projects, magkakaroon ng consolidation ng functions, at magpapatupad ng right-sizing teams.

Ang headquarters ng Grab ay nasa Singapore.

Facebook Comments