Tinatayang nasa $300 million ang ninakaw ng North Korea sa ilang financial institution at virtual currency exchange houses sa pamamagitan ng cyber hacking ayon sa United Nations.
Posible rin anilang tinutulungan sila ng Iran sa pagkuha ng materyales maging sa paggamit ng technology sa pagsasagawa ng cyber programmes para makalikom ng pera.
Ang nasabing halaga ay gagamitin bilang pondo sa pagsasaayos ng kanilang mga war weapons, pagme-maintain sa kanilang nuclear facilities at pag-a-upgrade ng ballistic missile infrastructure.
Pinaniniwalaan ding sangkot ang North Korea sa pagkawala ng virtual assets ng isang bansang miyembro ng UN na nagkakahalaga ng $316.4 million dollars sa pagitan ng taong 2019 at Nobyembre 2020.
Facebook Comments