Higit 300 na Magkasintahan sa City of Ilagan, Ikakasal Ngayong Araw!

56

*City of Ilagan, Isabela- *Mag-iisang dibdib na ngayong araw ang nasa 324 na magkasintahan sa gagawing Mass Wedding sa airconditioned Community Center ng Lungsod ng Ilagan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, Information Officer ng City of Ilagan, sagot lahat ng Pamahalaang Lungsod ang mga gagamiting singsing ng magkasintahan, bulaklak, aras, cake, wine at pananghalian para sa lahat ng mga dadalo sa naturang kasalan.

May mga inihanda rin anya ang pamahalaang Lungsod na regalo at libreng make-up na babalikatin naman ng City of Ilagan Gay Association o CIGA para sa 324 couples na ikakasal ngayong Valentines Day.

Ito ay i-oofficiate ni City Mayor Evelyn “Mudz” Diaz kasama ang Bise Mayor nito at iba pang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng City of Ilagan na magsisilbing ninong at ninang ng mga new couples.

Ayon pa kay Ginoong Bacungan, nasala anya ng mabuti ang mga dokumento ng mga ikakasal ngayong araw na kinabibilangan ng iba’t-ibang edad upang hindi anya magkaroon ng aberya.

Facebook Comments