Nag-umpisa nang mamahagi ang Department of Social Welfare and Development R02, ng tulong pinansyal para sa tinatayang nasa 356 na pamilyang naapektuhan ng pagbaha dulot ng pananalasa ng Bagyong Paeng.
Ilan sa mga bayan na nabenepisyuhan sa nasabing ayuda ay mula sa mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, Nueva Vizcaya, at Quirino.
Kinabibilangan ito ng 275 na magsasaka at 24 na katutubo mula sa mga nabanggit na lalawigan kung saan nakatanggap ang bawat isa ng tig P3,000.
Kaugnay nito, nakatanggap din ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P10,000 sa totally-damaged habang P5,000 sa partially-damaged ang ilan sa mga pamilya na natukoy mula sa Mungo, Tuao, Cagayan na napinsala ang mga kabahayan dahil sa Bagyong Paeng.
Facebook Comments