Aabot sa 340 na Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang nagtapos ng high school kahapon sa isinagawang graduation ceremony sa Medium Security Compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Ito ay sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) kung saan binibigyan ng tiyansa ang mga bilanggo na makapagtapos ng elementary at junior high school.
Ayon kay Bureau of Corrections Technical Chief Superintendent Maria Fe Marquez, walang pilitan ang pagsali sa ALS pero may insentibo ang mga lalahok dito at maaaring mapaiksi ang kanilang sintensya.
Sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance o GCTA, nababawasan ng 15 araw kada buwan ang sintensya ng mga lumalahok sa naturang programa.
Facebook Comments