Higit 300 PDLs sa Manila City Jail, binigyan pagkakataon na makaboto

Nagkaroon ng pagkakataon ang nasa higit 300 Persons Deprived of Liberty (PDLs) na makaboto para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Partikular ang PDLs sa Manila City Jail o BJMP Manila.

Ang PDLs na nakaboto ay pawang mga residente at nakarehistro sa lungsod ng Maynila.


Nasa 303 PDLs ang bumoto ngayong araw kung saan nasa 278 ang lalaki at nasa 25 ang babae.

Binisita rin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos ang ginawang botohan sa Manila City Jail kung saan umaasa siya na magiging maayos at payapa ang botohan.

Sinabi naman ni Abalos na ang ginawang hakbang ng DILG at BJMP ay isang pagpapakita binibigyan din ng karapatan ang lahat na makaboto na bahagi ng demokrasya sa bansa.

Facebook Comments