Umabot na sa higit 300 hotel at resort establishments ang accredited na makapag-operate sa isla ng Boracay.
Base sa huling bulletin ng Department of Tourism (DOT), nasa 307 accredited hotel at resort establishments.
Katumbas nito ang nasa 10,982 na available rooms para sa mga turista.
Ang mga establisyimento ay in-accredit ng Boracay Inter-Agency Task Force na binubuo ng tourism, environment at interior department.
Paalala ng DOT, ang mga accredited establishments lamang ang pinapayagang tumanggap ng bookings at reservations.
Facebook Comments