Higit 3,000 Barangay Frontliners sa Isabela, Naayudahan ng Cash Assistance

14

Cauayan City, Isabela- Pinagkalooban ng financial assistance ang nasa 3, 834 Barangay Officials, Barangay Tanods, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Health Workers at Day Care Workers sa tatlong bayan ng unang distrito ng Isabela mula sa DSWD sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Pinangunahan ang distribusyon ng tulong nina Congressman Tonypet Albano kasama si LPGMA Representative Allan U. Ty, Sangguniang Panlalawigan Board Member Emmanuel Joselito B. Añes at SK Prov’l President Dax Paolo C. Binag.


Kinuha naman ni Cong. Albano ang pagkakataon upang hikayatin ang publiko na magpabakuna at inabisuhan rin ang mga opisyal ng barangay na huwag matakot gawin para mapangalagaan ang kanilang proteksyon.

Sinabi ni Albano na ang mga nabakunahan ay may tsansang makarekober kung sakaling tamaan ng COVID-19.

Samantala, nagkaloob naman ng sakong bigas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Facebook Comments