Higit 3,000 istrakturang nakatayo sa ibabaw ng West Valley Fault, expose sa ground rupture

Higit 3,000 istraktura na nakatayo sa West Valley Fault (WVF) ang hindi makakaligtas sa pag-uka ng lupa sakaling gumalaw ito.

Ang West Valley Fault ay 100 kilometrong fault line mula Bulacan, na dinaraanan ang Metro Manila, Cavite at Laguna.

Sa taya ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa 3,263 structures na nakatayo sa ibabaw ng fault line ay expose sa ground rupture


Kabilang sa bilang ang nasa 1,630 residential structures; 1,392 mixed residential and commercial structures; 58 commercial structures; 52 industrial structures; 24 cultural structures; pitong infrastructure and utilities structures at anim na recreational structures.

Ayon kay PHIVOLCS chief science research specialist, Dr. Arturo Daag – kahit matibay pa ang gusali, kapag nag-rupture ang lupa ay bibigay din maging ang mga pundasyon nito.

Matagal nang inabisuhan ng PHIVOLCS ang mga apektadong residente at establisyimento na umalis sa danger zone at naglagay na sila ng palatandaan at warning signs sa mga lugar.

Base sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), higit 30,000 katao ang mamamatay at higit 100,000 ang masusugatan sa pagtama ng “The Big One” o magnitude 7.2 na lindol.

Facebook Comments