Naitala ng Department of Health (DOH) ang nasa 3,276 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa buong bansa ngayong araw.
Dahil dito, nasa 36,043 na ang aktibong kaso sa bansa habang nadagdagan naman ng 51 ang pumanaw na sa ngayon ay nasa 12,516 ang kabuuang bilang.
Mayroon namang naitalang 10,516 na gumaling kaya’t na sa 545,853 na ang total nito kung saan ang bilang ng kumpirmadong kaso sa bansa ay nasa 594,412.
Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 10 bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Filipino sa Middle East at Africa.
Bukod sa nasabing bagong kaso, kinumpirma ng DFA na lima ang naitalang nasawi kung saan nasa 1, 038 na ang kabuuang bilang nito.
Nasa 15,089 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso habang nasa 9,526 ang bilang ng nakarekober at nasa 3,693 ang bilang ng naberipikang kaso ng Department of Health-International Health Regulations (DOH-IHR).