Umabot na sa 3,114 na healthcare workers ang nasa isolation ngayon dahil sa COVID-19.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Leopoldo Vega, ang bilang na ito ay katumbas ng 11% na kabuuan bilang ng mga health worker na nasa government institutions sa National Capital Region (NCR) ang naka-isolate.
Dagdag pa ni Vega na bagama’t maraming health workers ang naka-quarantine ay kinakaya pa rin ng mga ospital ang sitwasyon.
Samantala, muli namang napupuno ng mga pasyenteng may COVID-19 ang ilang ospital sa Metro Manila kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga health workers na naka-quarantine at pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kabilang sa mga ospital na ito ay ang Philippine General Hospital (PGH), Modular Hemodialysis ng National Kidney and Transplant Institute, East Avenue Medical Center at Amang Rodriguez Memorial Medical Center.