Higit 3,000 na OFW, stranded sa Dubai dahil sa pagpapalawig ng suspensiyon ng flight sa Pilipinas

Higit 3,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nanganganib na mag-overstay sa Dubai dahil sa mga pending na repatriation request mula sa Konsulada ng Pilipinas.

Ito ay bunsod na rin ng pagpapalawig ng Pilipinas sa travel ban nito sa anim na mga bansa kabilang ang United Arab Emirates (UAE) dahil sa banta ng Delta variant.

Ayon kay Consul General Paul Raymund Cortes, ginagawa ng gobyerno ang lahat para matugunan ang dumaraming request ng mga Pinoy para sa repatriation.


Noong June 30, 348 OFWs mula Dubai at Abu Dhabi ang napauwi sa Pilipinas.

Bukod pa ito sa mahigit 3,000 repatriation request sa konsulada na karamihan ay mula sa mga OFWs na nakansela na ang work visas matapos na ma-terminate o mapaso ang kanilang kontrata.

Facebook Comments