Higit 3,000 pamilya, inilikas

Aabot sa higit 3,000 pamilya ang inilikas dahil sa hagupit ng bagyong Falcon at pinalakas nitong hanging habagat.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad – nasa 3,191 evacuated families bunsod ng pagbaha na naitala sa bayan ng Lala, Kapatagan, Salvador, Sapad at Sultan Naga Dimaporo sa Lanao del Norte.

Nananatili ang mga ito sa evacuation centers, maging sa gymnasiums, eskwelahan at barangay halls.


Ang ibang residente ay bumalik na sa kanilang mga bahay matapos humupa ang mga baha.

Ang Lanao del Norte DRRMO ay nag-taas ng red alert status sa kanilang lalawigan, kung saan kailangan na ng agarang tulong sa mga apektadong pamilya.

Facebook Comments