Bagamat hindi pa nakakaahon ang ilang residente ng Rehiyon Uno sa epekto ng bagyong Ineng, nadadagdagan pa ang mga residenteng naapektuhan naman ni Bagyong Jenny.
Umabot na sa 3, 476 na pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Jenny o 15, 194 na katao ayon sa Department of Social Welfare and Development Region 1. Pitong pamilya ang inilikas at aa ngayon ay nasa evacuation center. Wala namang naipaulat na nasirang kabahayan dulot ng bagyo.
Ayon kay Darwin Chan, Information Officer ng DSWD Region 1, Karamihan sa mga apektadong residente ay galing sa Calasiao Pangasinan na mayroong 2, 428 na pamilya o 9965 na indibwal. Nagsimula ng magpamahagi ng food packs ang DSWD sa bayan ng Calasiao at Sta. Barbara Pangasinan.
Samantala, bumaba na ang lebel ng tubig sa mga ilog ng lalawigan na isa sa mga naging dahilan ng pagbaha.