Higit 3,000 pasahero, naitala ng PCG sa ilan pantalan dahil sa Bagyong Amang

Umaabot sa kabuuang 3,614 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na na-stranded sa ilang pantalan sa Southern Tagalog, Bicol at Eastern Visayas.

Ito’y dahil sa banta ng Bagyong Amang kung saan patuloy na naka-monitor at nakahanda ang PCG sa magiging epekto nito.

Sa datos pa ng PCG, stranded din ang 593 rolling cargoes, 12 vessels, at 9 motorbancas habang nakasilong naman sa ligtas na lugar ang 23 vessels at 21 motorbancas .


Karamihan sa may naiulat na stranded na pasahero ay sa mga pantalan sakop ng Eastern Visayas na nasa 1,681.

Sinundan ng Bicol region na mayroong 1,560 stranded passengers habang 373 naman sa Southern Tagalog.

Facebook Comments