Higit 3,000 pasahero, stranded sa ilang mga pantalan dahil sa Bagyong Dante

Nasa higit 3,000 pasahero ngayong ang naitalang stranded sa limang pantalan dahil sa epekto ng Bagyong Dante.

Sa inilabas na datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 3,360 ang stranded kabilang na ang 1,078 rolling cargoes, 71 na na vessel at tatlong motorbancas.

Ilan naman sa naapektuhan na tanggapan ng PCG bunsod ng bagyo ay ang Coast Guard District Eastern Visayas, Coast Guard District Central Visayas, Coast Guard District Southern Tagalog, Coast Guard District Northeastern Mindanao at Coast Guard District Bicol.


Base pa sa datos ng PCG, nasa 63 pantalan ang naapektuhan ng bagyo habang pansamantalang sumilong ang nasa 85 na vessels at 74 na motorbancas upang maging ligtas sa bagyong dante.

Patuloy namang nakamonitor ang PCG sa iba pang lagay ng panahon at sa mga pantalan habang nakahanda na rin ang Coast Guard Deployable Response Group para magtungo sa mga naapektuhang lugar para posibleng evacuation o rescue operation sa pakikipagtulungan sa mga Local Government Unit (LGU).

Facebook Comments