Umabot sa 3,258 na trabaho sa loob at labas ng bansa, ang binuksan para sa mga job seekers sa isinagawang ika-13 People’s Job Fair sa San Fernando City, La Union.
Nagsilbing mahalagang hakbang ang aktibidad para sa mga bagong nagtapos, gayundin sa iba pang propesyonal na naghahanap ng mas angkop at mas magandang oportunidad sa kanilang karera.
Layunin din nitong matulungan ang mga aplikante na mapalawak ang kanilang talento at kasanayan sa napili nilang larangan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang nasabing programa ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na matugunan ang pangangailangan sa trabaho ng mga Ilokano upang magkaroon ng mas maayos at matatag na kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








