Higit 30,000 bilang ng pasahero, naitala ng PCG na bumiyahe sa mga pantalan sa bansa

Umaabot sa 30,000 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa buong bansa.

Sa datos ng PCG sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2022, nasa 15,764 ang bilang outbound passengers habang 15,456 naman ang inbound passengers.

Kaugnay nito, nagpakalat ang PCG ng nasa 2,367 frontline personnel sa 15 distrito para masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa mga pantalan kasabay na rin ng pagpapatupad ng guidelines ng health protocols kontra COVID-19.


Umaabot naman sa 149 vessels at 73 motorbancas ang isinailalim ng PCG sa inspeksyon para masigurong ligtas ang mga ito sa pagbiyahe.

Hanggang ngayong araw ay nananatiling naka-heightened alert ang lahat ng districts, stations, at sub-stations kung saan nakatutok at naka-monitor din sila sa pagdagsa ng mga turista sa mga panatalan ngayong summer vacation.

Facebook Comments