Higit 30,000 COVID-19 vaccine, Dumating na sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Nasa kabuuang 36,710 doses ng COVID-19 vaccine ang dumating sa Isabela ngayong araw, Agosto 16.

Personal na tinanggap ni Assistant Provincial Health Officer at Chairperson ng Isabela Vaccination Program Operation Center na si Dr. Arlene Lazaro ang nasabing bilang ng mga bakuna.

Kinabibilangan ito ng 15,000 doses ng Sinovac, 9,940 doses o 710 vials at 14 doses ng Moderna, 1, 170 doses o 195 vials sa 6 doses/vials ng Pfizer at 600 doses ng o 60 vial sa 10 doses ng Astrazeneca, kung saan ang ikalawang dating ng Astrazeneca ay binili ng Provincial Government.


Hinikayat naman ni Governor Rodito Albano III ang lahat ng kwalipikadong Isabeleños na magpabakuna kontra COVID-19 upang matagumpay na makamit ang herd immunity kung saan magpapababa ito ng pangamba at maprotektahan ang pamilya, mga katrabaho laban sa COVID-19.

Facebook Comments