Lagos, Nigeria – Inilikas ang nasa 30,000 katao dahil sa patuloy na pag-atake ng Boko Haram militants sa Lagos, Nigeria.
Ayon sa United Nations Refugee Agency, ang mga lumikas ay nagtungo sa Cameroonian borders at sa Chad.
Ayon kay UNHCR Spokesperson Babar Baloch – ang patuloy na karahasan ay nagpatigil sa ilang humanitarian operations at napilitan ang ilang aid workers na umalis sa mga apektadong lugar.
Malawak din ang iniwang pinsala sa kabuhayan at imprastraktura.
Sumatutal, aabot na sa 250,000 tao ang na-displaced sa Northeast Nigeria.
Halos higit dekada nang nanggugulo ang Boko Haram insurgents na nanununog ng mga bahay, mosque at simbahan.
Facebook Comments