Higit 30,000 job seekers, lumahok sa job fairs ng DOLE

Umabot sa 33,920 job seekers ang nagpatala sa inilunsad na job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon.

Sa tala ng DOLE, nasa 23,169 ang mga aplikanteng na-qualified sa mga job opportunities.

Sa nasabing bilang, nasa 23,006 ang sumalang sa interview kung saan nasa 3,108 ang na-hire on the spot.


Nabigyan naman ng TESDA skills training ang mahigit 1,300 aplikante habang higit 1,400 ang nakakuha ng livelihood assistance.

Facebook Comments