Umabot sa 38,935 ang naitalang bilang ng pasahero ng Philippine Coast Guard (PCG) simula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-6:00 ng umaga.
Sa nasabing bilang, pinakamaraming bumiyahe ay sa Central Visayas na nasa 14,013; na sinundan ng Southern Tagalog na nasa 9,925 ang bilang.
Aabot naman sa 5,658 ang bilang ng pasahero sa mga pantalan sa Northern Mindanao; 2,757 sa Bicol region habang 2,042 sa Southern Visayas at 1,967 sa Eastern Visayas.
Bagamat ilang oras na lamang ay magba-bagong taon na, umaasa pa din ang coast guard na makakamit nila ang zero maritime casualty kung saan mahigpit pa din ang ginagawa nilang pagbabantay sa mga karagatan at pantalan sa buong bansa.
Paalala naman ng coast guard sa mga pasahero na huwag ng magdala ng ipinagbabawal na paputok dahil kukumpislahin nila ito at hindi na ibabalik pa habang mananagot naman ang pamunuan ng mga shipping lines na magpapapasok o magdadala ng mga iligal na paputok.