Taliwas sa inaasahan, marami pa din ang nagtutungo sa Manila North Cemetery ngayong araw.
Ayon kay Eddie Jazmin head, special operation ng Manila North Cemetery. Inaasahan nila na aabot sa higit 30,000 tao ang bibisita sa nasabing sementeryo.
Binuksan na din nila sa motorista ang mga kalsada sa North Cemetery kaninang alas-5:00 ng umaga pero dahil sa dagsa ang tao ay kanila muna ulit itong isinara pasado alas-11:00 ng umaga.
Kanila na lamang itong bubuksan kapag medyo maluwag na sa loob ng sementeryo habang mayroon namang libreng sakay para sa mga senior citizen, pwd’s at mga buntis.
Bagamat maluwag na sa inspeksyon ng mga gamit, mahigpit at hinuhuli pa din ng pamunuan ng Manila North Cemetery ang pagtitinda sa loob.
Ang mga nagtitinda at naglalako naman sa entrance ay pinabalik sa kanialng pwesto dahil nakakasagabal ang mga ito papasok.
Patuloy din nakamonitor sa seguridad ang pamunuam ng Manila North Cemetery katuwang ang ilang MPD personnel kung saan nagbabantay at nag-iikot sila sa loob at labas ng nasabing sementeryo.