Higit 300,000 manggagawa na nasa film industry, umaasang papayagan na silang muling makapagbukas

Nasa 336,000 mga nagtatrabaho sa sinehan ang umaasang mapagbibigyan sila ng pamahalaan na muling makapagbukas kapag tuluyan nang ibinaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Cinema Exhibitor Association of the Philippine Charmaine Bauzon na sa nasabing bilang 150,000 dito ay mga ticket seller, ushers, projectionists, housekeeping at security nasa 150,000 namang mga artista, direktor, buong production crew at 136,000 nagdi-distribute ng mga nagawang pelikula ang lubos na naapektuhan sa pagsasara ng mga sinehan magdadalawang taon na ang nakararaan.

Sinabi pa ni Bauzon na humigit kumulang ₱21 billion na rin ang nalugi sa mga sinehan.


Kasunod nito, binabalangkas na nila ang “Sa Sine Safe Ka!” protocols saka sakaling payagan muli sila magbukas ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Basehan aniya rito ang ginawa na Cine Safe protocols ng National Association of Theater Owners sa America na pagpapatupad ng health and safety protocols sa mga sinehan tulad ng social distancing o one seat apart, bawal magtanggal ng mask sa buong oras ng panonood ng sine, ibig sabihin ay bawal ang kumain at palagiang disinfection pagkatapos ng isang pelikula.

Facebook Comments