Higit 300K frontliners, nabenipisyuhan ng libreng sakay ng DOTr

Iniulat ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa Laging Handa Public Press briefing na umaabot na sa higit 330,000 health workers ang nakinabang sa free shuttle services na alok ng DOTr magmula ng ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Sinabi ni Tugade na sa Metro Manila pa lamang ay naserbisyuhan na ang 67,000 medical frontliners habang sa ibang rehiyon at probinsya ay napagkalooban na ng free ride ang nasa mahigit 260,000 na mga medical frontliners.

Ayon pa kay Tugade dati ay mayroon lamang 3 ruta at iilan lamang ang mga bus na nagkakaloob ng libreng sakay pero ngayon umaabot na aniya sa 20 ruta at 160 buses ang nagbibigay ng libreng sakay sa ating mga frontliners.


Samantala, inulat din nito na mayroong 2 vessel ng 2Go travels ang nirerentahan ng pamahalaan para gawing quarantine facility.

Ang 2 barko aniya ay mayroong higit 300 bed capacities para sa mga i-isolate na OFWs at sasailalim sa 14day quarantine period.

 

Facebook Comments