Arestado ang isang high value individual sa ikinasang buy bust operation ng hanay ng Dagupan City Police Station at PDEA RO1 sa bahagi ng Brgy. Bonuan Binloc.
Narekober sa suspek ang nasa 51 gramo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa anim na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet at tinatayang nagkakahalaga ng nasa 346,800 pesos.
Nakumpiska rin sa naturang suspek ang piraso ng boodle money na ginamit sa operasyon at isang uri ng sasakyan.
Ang mga piraso ng mga ebidensya ang masusing nailagak sa inventory habang nasa kustodiya na ng awtoridad ang suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









