HIGIT 300K NA TULONG PINANSYAL, NAIPAMAHAGI SA MGA SAN NICOLANIANS

Naipamahagi ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng nasa higit tatlong daang libong piso o P300, 000 partikular para sa mga nangangailangang residente rito.
Nasa higit dalawang daang libong piso ang inilaan partikular sa gastusin ng mga residente sa medical assistance habang ang higit isang daang libong piso naman ay para burial na tulong.
Kasabay naman ng pamamahagi ng financial assistance ay ang distribusyon din ng assistive devices sa mga higit nangangailangan ng pang-agapay sa araw araw na pamumuhay.

Samantala, tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas na magpapatuloy ang pabigay at pagpapaabot ng mga programang makakatulong lalo na sa mga mahihirap na residente ng bayan. |ifmnews
Facebook Comments