Higit 31,000 COVID-19 tests, maisasagawa na sa susunod na linggo

Sa susunod na linggo, makapagsasagawa na ang bansa ng 31,360 COVID-19 tests kada araw.

Inaasahan kasing mapapagana na ang apat na mega swabbing facilities na itinayo sa Palacio De Maynila, Enderun Tent, MOA Arena at Philippine Arena.

Ayon kay Department of Department of Public Works and Highways (DPWH) Build, Build, Build Committee Chairperson Anna Mae Lamentillo, ang mga nasabing pasilidad ay uupahan ng gobyerno mula sa Yap Group of Companies, Dennis Uy Companies, SM Group at Iglesia ni Cristo.


Noong nakaraang Linggo, matatandaang sinabi ni Presidential Adviser on Entreprenuer Jose Ma. Concepcion na kumpiyansa siyang maaalis na ang ECQ sa may 15 kung mapapalawak pa ang COVID-19 testing.

At para mangyari ito, dapat aniyang makapagsagawa ng 28,000 tests kada araw gamit ang real-time reverse transcription polymerase chain reaction (rt-pcr).

Facebook Comments