HIGIT 316K FOOD AT NON-FOOD ITEMS, NAIPAMAHAGI SA MGA APEKTADONG RESIDENTE SA REGION 1 NG NAGDAANG KALAMIDAD

Ilang araw pa lang ang nakakalipas mula nang sunod sunod na naranasan ang epekto ng mga nagdaang bagyo at habagat sa Ilocos Region.
Sa ilang nakapanayam ng IFM News Team na mga nasalanta ng bagyo mula sa Region I, onti-onti pa lamang ang kanilang pagbangon mula sa iniwang pinsala ng nagdaang kalamidad sa kanilang buhay.
Bagamat natapos na ang bagyo, nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang pagbibigay ng relief packs para sa naapektuhang residente sa Rehiyon Uno.
Sa tala ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1, nasa mahigit 316, 000 na mga Food at Non-Food Items ang naipamahagi na sa mga lalawigan ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Samantala, tiniyak naman ng pamunuan na nakahanda ang mga ito sa kinakailangang tulong ng mga mamamayan lalo na sa tuwing panahon ng kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments